Tuesday, October 13, 2009

Fact me, Fact you

Ako po si Kuya Chrix AKA ang Gagong Blogger, pero di ako anak ni bob ong kungdi di isang taong walang magawa na nangangarap sumikat sa mundo ng blog.

Upang lubos nyo akong makilala ay ilalahad ko sa inyo and limang fact ng buhay ko.

1. gusto ko kapag umuulan - Nakakaramdam ako ng kasiyahan pag umuulan dahil kasabay ng malamig na hangin ay ang hagok ng malamig na redhorse sa aking lalamunan. nakadarama din ako ng kapayapaan ng damdamin kapag ako'y naglalakad sa gitna ng ulan lalong lalo na kapag nagdadalamhati ang aking damdamin sa mga pagkabigo sa buhay dahil itinatago ng ulan ang mga luhang pumapatak s aking mga mata.

2. Paboritong ko ang gabi - Hindi ako nagpapa-mysterious effect at di rin ako emo at lalong wala rin akong lahing vampira (sana nga naging vampira na lang ako ala edward cullen). katulad ng ulan nakakaramdam ako ng kapayaapan sa gabi lalo na pag madaling araw siguro dahil na rin hirap akong makatulog kaya napamahal na sa akin ang gabi.

3. Mahilig akong magpantasya - Baka kung anong iniisip nyo ha, di yung pagpapantasya sa mga babae ang tinutukoy ko(cge na nga minsan ginagawa ko rin yun). Ang ibig kong sabihin mahilig aknog mangaprap na gising, nagiisip ng kung ano-ano at nagsasalita ng mag isa, wala akong topak sa ulo ha mahilig lng akong gumawa ng mga kwento sa isip ko na ako ang bida kaya siguro isa sa mga naging pangarap ko ay maging manunulat ng mga nobela tulad ng mga idol kong sina Dean koontz, J.K. Rowling at Dan Brown.

4. Loner ako - Mas gusto ko yung mangarap magisa keysa makihalobilo sa iba at makipag usap ng mga walang ka kwenta kwentang bagay. Di naman ako outcast sa society at marami rin naman akong mga kaibigan.

5. Tamad ako - ayun oh, isa ako sa milyon milyong tao na naniniwala sa kasabihang "Di bale ng tamad, di naman pagod". ako yung tipo na indi gagawa ng mga bagay na di ko gusto. saka may mga tao kasi na mahilig magutos kahit kaya naman nilang gawin yun, uutusan ka na bumili ng kendi o yosi sa tindahan eh ang lapit lapit ng tindahan tapos isa lang ipabibili. ako rin yung tipo na gagawin ang isang bagay kung kelan ko trip gawin kaya nga lagi akong nababatukan ng nanay ko eh. pero di ako kampon ni juan tamad ha dahil kapag nasimulan ko nang gawin ang isang bagay na gusto ko, di ko yun titigilan hangga't di ko natatapos kahit na di kumain at magunaw pa ang mundo.

O siguro naman sapat na ang limang fact na yan ng buhay ko para makilala mo ako. kaya ikaw naman ang gusto kong makilala, i-share mo naman mga bagay na tungkol sayo. ano pa hinihintay mo gawa ka na ng listahan ng mga Fact you!

No comments:

Post a Comment