Wednesday, October 14, 2009

Ang Pagibig parang?

Akalain mo yun pinasagot ako ng isang suki namin sa tindahan ng isang Slumbook. Dahil cute yung nagpasagot eh di sinagutin ko na lang kahit mejdyo feeling jologs. at pagdating sa pinakapaboritong kong tanong na What is Love? eh napaisip ako ano nga ba ang love?

Kaya e2 pagkatapos kong sagutan ang Slum book ay takbo agad ako sa PC para ibahagi ang mga wala ka kwenta kwentang mga sagot na naisip ko.

Ang Pagibig parang?

Snatcher - Darating ng biglaan at pagkatapos kunin ang mga mahalaga sayo at aalis ng walang
paalam.

Kape - Mainit, masarap pero nakakapaso at higit sa lahat hindi ka patutulugin.

Enervon - Kapag pinagbutihan mo makukuha mo ang hapiniess mo.

Tubig sa Ilog - Minsan malinaw, minsaw malabo pag sobra nakakalunod pero kahit anong mangyari tuloy pa rin ang agos.

Trumpo - Akala mo totoo pero pinapaikot ka lang pala.

Apoy - Napapalambot kahit na ang pinakamatigas na bakal(puso).

Rebisco - ang sarap ng feeling mo.

Kapuso - nagiging makulay ang buhay.

Pekeng Alahas - Akala mo tunay, yun pla hindi

Magic - akala mo totoo pero ilusyon lang pala.

IMBURNAL- nakakatakot, mahuhulog ka at kapag nahulog ka, pedeng hindi mo sinasadya o talagang tanga ka. lang

ligaw na bala - hindi mo alam kung kailan ka tatamaan.

dota - nakakaadik.

bangus - masarap, pero matinik.

lotto - ang hirap manalo.

pagbibike - mahirap matutunan. ilang beses kang sesemplang at masusugatan. pero pagkatapos ng lahat, masaya ka pa rin.



o yan muna nagagutom na ako eh. saka nakakapagod pala talaga pag minsan lang ginagamit ang utak. hehe
kung meron kang alam na sagot at talbog yung mga nasa listahan ko. i share mo na.

7 comments:

  1. haha ayos ah! salamat sa impormasyon nde ko rin alam ang tunay na meaning ng pagibig eh...

    ReplyDelete
  2. ang pag ibig parang ikaw...ang sarap mahalin

    ReplyDelete
  3. ang pag ibig parang load..pag unlimited masaya ka...pero pag expired na nakakalumbay nah....:))

    ReplyDelete
  4. ang pag-ibig? hmmmmm? ano ng ba? ang alam ko lang
    A PRELUDE TO SADNESS AND DESPAIR!!!

    ReplyDelete
  5. GAG_ONG! look my new comment! galing sa'kin 'yan-

    ReplyDelete
  6. but..it really help-nagsusulat pa naman ako ng nobela ko ngayon. marami akong natutunan tungkol sa pag-ibig.

    ReplyDelete