Tuesday, November 17, 2009

Wa wentang Pic : Ang Assisgnment


Pulot lang, Gusto ko lng i-share :D

Tuesday, October 20, 2009

Kung ako superhero


Hindi ako si Superman na darating na lang bigla sa tabi mo pagkailangan mo ng tulong at pag ika'y nalulungkot at pag pkiramdam mo ay nagiisa ka.

Pagkat ako si Invisible man at kung inaaakala mong nagiisa ka?
at walang karamay sa mga problema mo?
pwes nagkakamali ka,
kahit di mo napapansin
nandito lng ako lagi sa tabi mo.

MANHID KA LANG!

Saturday, October 17, 2009

Tagalog Pick up lines

Narito ang unang part ng mga nakakatuwa at minsan nakakakilig ngunit madalas korni na mga banat.

Puzzle ka ba? ikaw kasi ang kulang na bahagi ng buhay ko.

Naliligaw ka ba? kanina ka pa kasi pabalik balik sa isip ko.

Alarm clock ka ba? ginising mo kasi ang natutulog kong puso.

Aanhin pa ang gravity? kung lagi akong nahuhulog sa'yo.

kung gagawa ako ng alak pangalan mo ang gagamitin ko. kasi ang lakas mo sumipa kaso sa puso ang tama.

Redhorse ka ba? ang lakas kasi ng tama ko sayo eh

Pinaglihi ka ba sa keyboard? type kasi kita eh

alam mo bang exam ako? kaya sagutin mo na ko

kung bola ka at ako ang player, masho-shoot ba kita? hindi! kasi lagi kitang namimiss

Uy! papicture naman tayo oh? para madevelop tayo sa isa't isa.

Surgeon ka ba? kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.

may lason bang mga mata mo? nakakamatay kasi ang titig mo.

kailangan mo ba ng tutor? tuturuan kitang mahalin ako.

kung ako my business
lahat ng tao bebentahan ko ng mura...
ikaw hindi....
tama na yung sayo lang ako magmamahal...

alam mo ba na ang pinakamasarap na FEELING sa buong mundo ay..
..........ay ang makaFEELING ka

Miss pwede ba kita maging driver??
para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko..

Mahilig ka ba sa asukal??
ang tamis kasi ng mga ngiti mo..

Ibibili kita ng salbabida..
kasi malulunod ka sa pagmamahal ko..

Pwede ba kitang maging sidecar??
single kasi ako eh..

Me lisensya ka ba??
coz you’re driving me crazy eh..

May kilala ka bang gumagawa ng relo??
may sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko..


Guy: Nakakatakot diba ang multo??
pero mas nakakatakot kapag mawala ka sa buhay ko..

Guy: Am i a bad shooter??
coz i keep on missing you..

Guy: May lahi ka bang aswang??
feeling ko kasi ikaw yung other half ko eh..

Naniniwala ka ba sa love at first sight??
O gusto mong dumaan ulit ako??

Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh??
kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad..

Excuse me.. Are you a dictionary??
because you give meaning to my life..

Bangin ka ba??
nahuhulog kasi ako sa’yo..

Me butas ba puso mo??
kasi! natrap na ako sa loob, can’t find my way out!!

Anung height mo??
ha?? pano ka nagkasya sa loob ng puso ko..

Sana “T” na lang ako..
para i’m always right next to “U”

Aanhin pa ang damo kung sayo pa lang may tama na ako

magaling ka ba sa math? ikaw kasi ang sagot sa mga equation ng buhay ko.

Para kang Centrum. you make my life complete

Doktor ka ba? kasi kaw lang ang makakagamot ng sugat sa puso ko.

Pulis ba tatay mo? kasi nahuli mo ang puso ko.

Electric Fan ka ba? kasi lagi umiikot ka sa isip ko.

Drug pusher ka ba? kasi para kang shabu, lagi akong nasa heaven pag kasama kita.

Wednesday, October 14, 2009

Ang Pagibig parang?

Akalain mo yun pinasagot ako ng isang suki namin sa tindahan ng isang Slumbook. Dahil cute yung nagpasagot eh di sinagutin ko na lang kahit mejdyo feeling jologs. at pagdating sa pinakapaboritong kong tanong na What is Love? eh napaisip ako ano nga ba ang love?

Kaya e2 pagkatapos kong sagutan ang Slum book ay takbo agad ako sa PC para ibahagi ang mga wala ka kwenta kwentang mga sagot na naisip ko.

Ang Pagibig parang?

Snatcher - Darating ng biglaan at pagkatapos kunin ang mga mahalaga sayo at aalis ng walang
paalam.

Kape - Mainit, masarap pero nakakapaso at higit sa lahat hindi ka patutulugin.

Enervon - Kapag pinagbutihan mo makukuha mo ang hapiniess mo.

Tubig sa Ilog - Minsan malinaw, minsaw malabo pag sobra nakakalunod pero kahit anong mangyari tuloy pa rin ang agos.

Trumpo - Akala mo totoo pero pinapaikot ka lang pala.

Apoy - Napapalambot kahit na ang pinakamatigas na bakal(puso).

Rebisco - ang sarap ng feeling mo.

Kapuso - nagiging makulay ang buhay.

Pekeng Alahas - Akala mo tunay, yun pla hindi

Magic - akala mo totoo pero ilusyon lang pala.

IMBURNAL- nakakatakot, mahuhulog ka at kapag nahulog ka, pedeng hindi mo sinasadya o talagang tanga ka. lang

ligaw na bala - hindi mo alam kung kailan ka tatamaan.

dota - nakakaadik.

bangus - masarap, pero matinik.

lotto - ang hirap manalo.

pagbibike - mahirap matutunan. ilang beses kang sesemplang at masusugatan. pero pagkatapos ng lahat, masaya ka pa rin.



o yan muna nagagutom na ako eh. saka nakakapagod pala talaga pag minsan lang ginagamit ang utak. hehe
kung meron kang alam na sagot at talbog yung mga nasa listahan ko. i share mo na.

Tuesday, October 13, 2009

Fact me, Fact you

Ako po si Kuya Chrix AKA ang Gagong Blogger, pero di ako anak ni bob ong kungdi di isang taong walang magawa na nangangarap sumikat sa mundo ng blog.

Upang lubos nyo akong makilala ay ilalahad ko sa inyo and limang fact ng buhay ko.

1. gusto ko kapag umuulan - Nakakaramdam ako ng kasiyahan pag umuulan dahil kasabay ng malamig na hangin ay ang hagok ng malamig na redhorse sa aking lalamunan. nakadarama din ako ng kapayapaan ng damdamin kapag ako'y naglalakad sa gitna ng ulan lalong lalo na kapag nagdadalamhati ang aking damdamin sa mga pagkabigo sa buhay dahil itinatago ng ulan ang mga luhang pumapatak s aking mga mata.

2. Paboritong ko ang gabi - Hindi ako nagpapa-mysterious effect at di rin ako emo at lalong wala rin akong lahing vampira (sana nga naging vampira na lang ako ala edward cullen). katulad ng ulan nakakaramdam ako ng kapayaapan sa gabi lalo na pag madaling araw siguro dahil na rin hirap akong makatulog kaya napamahal na sa akin ang gabi.

3. Mahilig akong magpantasya - Baka kung anong iniisip nyo ha, di yung pagpapantasya sa mga babae ang tinutukoy ko(cge na nga minsan ginagawa ko rin yun). Ang ibig kong sabihin mahilig aknog mangaprap na gising, nagiisip ng kung ano-ano at nagsasalita ng mag isa, wala akong topak sa ulo ha mahilig lng akong gumawa ng mga kwento sa isip ko na ako ang bida kaya siguro isa sa mga naging pangarap ko ay maging manunulat ng mga nobela tulad ng mga idol kong sina Dean koontz, J.K. Rowling at Dan Brown.

4. Loner ako - Mas gusto ko yung mangarap magisa keysa makihalobilo sa iba at makipag usap ng mga walang ka kwenta kwentang bagay. Di naman ako outcast sa society at marami rin naman akong mga kaibigan.

5. Tamad ako - ayun oh, isa ako sa milyon milyong tao na naniniwala sa kasabihang "Di bale ng tamad, di naman pagod". ako yung tipo na indi gagawa ng mga bagay na di ko gusto. saka may mga tao kasi na mahilig magutos kahit kaya naman nilang gawin yun, uutusan ka na bumili ng kendi o yosi sa tindahan eh ang lapit lapit ng tindahan tapos isa lang ipabibili. ako rin yung tipo na gagawin ang isang bagay kung kelan ko trip gawin kaya nga lagi akong nababatukan ng nanay ko eh. pero di ako kampon ni juan tamad ha dahil kapag nasimulan ko nang gawin ang isang bagay na gusto ko, di ko yun titigilan hangga't di ko natatapos kahit na di kumain at magunaw pa ang mundo.

O siguro naman sapat na ang limang fact na yan ng buhay ko para makilala mo ako. kaya ikaw naman ang gusto kong makilala, i-share mo naman mga bagay na tungkol sayo. ano pa hinihintay mo gawa ka na ng listahan ng mga Fact you!